Hiyasmin (33)

PINURI ni Dax ang luto ni Hiyasmin.

“Ang sarap ng sinigang mo, Hiyasmin! Bakit pag ako ang nagluluto, hindi ganito?’’

“Simpleng sinigang lang po sa kamatis ‘yan, Sir Dax.”

“Ang sarap!’’

“Salamat po.”

“Siyanga pala ibigay mo sa akin ang lists ng nagastos mo sa pamamalengke at ba­bayaran kita.’’

“Opo.’’

“Dapat siguro bigyan na kita ng perang pamalengke ano? Para hindi ka na gumagastos ng sarili mong pera. Bukas bibigyan kita.’’

Tumango si Hiyasmin.

“Mapaparami ang kain ko dahil sa luto mo,’’ sabi ni Dax at nagtawa.

Maya-maya ang tungkol­ sa nangyari sa school ang naitanong ni Dax.

“Kumusta naman ang klase mo kanina?’’

“Okey naman­, Sir Dax. Medyo­ ma­rami na kaming­ activities dahil nasa senior year na. Pi­nagsa-submit na kami ng topic para sa thesis.’’

“Ah oo. Ganyan din kami noong nag-aaral pa. Ma­­gi­ging busy ka na. Pero pa­lagay ko kayang-kaya mo naman.’’

“Kakayanin ko po.’’

“Kapag mayroon kang kakailanganin o mga baba­yaran e sabihin mo sa akin. Huwag kang mahihiya. Alam ko kapag nasa senior year na e maraming babayaran.’’

“Ipaalala ko sa’yo Sir Dax.’’

KINABUKASAN hindi la­mang pala pagluluto ang gina­gawa ni Hiyasmin pagkatapos lumabas ng school. Pati paglalaba ng maruruming damit ay ginagawa na rin nito.

Hinahanap ni Dax ang kanyang maruruming damit pero hindi niya makita. Tina­nong niya si Hiyasmin.

“Nakita mo ba maruru­ming damit ko?’’

“Nilabhan ko na po!”

Napangiti na lang si Dax.

Itutuloy

Show comments