Hiyasmin (25)

“Kailan mo balak lumipat dito, Hiyasmin,’’ tanong ni Dax.

“Kung maari po, ngayon na Sir Dax.’’

“E ipaaayos ko pa ang kuwarto mo at palalagyan ng banyo.’’

“Kahit na hindi mo na po ipaayos. Ang mahalaga po, makaaalis ako sa bahay ng stepfather ko. Bawat oras ko po roon nagbabanta ang disgrasya.’’

“Sige ikaw ang bahala. Saka ko na lang ipaaayos.”

“Ako na po ang maglilinis.’’

“Sabagay wala namang laman ang bedroom. May kama na roon, cabinet at silya. Pupunasan na lang ang sahig.’’

“Ako na po ang maglilinis.’’

“E di kukunin mo sa bahay ng step­father mo ang iyong mga damit at libro?’’

“Dinala ko na po pag-alis kanina?’’

“E nasaan?’’

“Nasa isang class­mate ko po na nag­bo-board sa Lepanto.’’

Napahanga si Dax sa ginawa ni Hiyasmin. Advance mag-isip. Positibo na makakatira sa kanyang bahay.

“Anong sabi ng mama mo nang umalis ka?’’

“Wala po. Alam naman ni Mama na marunong akong magpasya. Siguro, naisip niya na wala siyang magagawa para sa akin kaya hinaha­yaan na ako.’’

Napatangu-tango si Dax. Ibang klase si Hiyasmin. Ma­runong na babae.

“Sige kunin mo na ang mga gamit mo. Malapit lang naman dito ang Lepanto.’’

“Opo Sir Dax. Aalis na po ako.’’

Makalipas ang isang oras, dumating si Hiyasmin. Bitbit nito ang maleta at isang bag.

(Itutuloy)

Show comments