^

True Confessions

Hiyasmin (24)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

TINAPAT ni Dax si Hiyasmin kung bakit ayaw niyang may tumira sa kanyang bahay.

“Alam mo Hiyasmin, ako ‘yung tao na nasisiyahan sa pag-iisa. Mas gusto ko ang walang kasama sa bahay. Kaya nga kita tinanggihan nun na maging kasambahay ay dahil ayaw kong may ibang tao rito. Kaya sa halip na kunin kitang kasambahay ay ginawa na lang kitang ‘iskolar’ para hindi mo na kailangang magtrabaho sa akin. Pero ngayong may malaki kang problema at maari kang mapahamak, baka pumayag na ako sa pinakikiusap mo…’’ tumigil si Dax at bumuntunghininga. Tumingin kay Hiyasmin at saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Kasi, baka kung ano ang mangyari sa iyo—baka kung ano ang gawin ng stepfather mo e ako pa ang lalabas na may kasalanan. Baka makonsensiya pa ako. Ayaw ko kasi na may mapapahamak o maaagrabyado. Kaya, pumapayag na ako, pero…’’ tumigil si Dax.

“Pero ano po Sir Dax?’’

“Palalabasin ko na boarder kita rito.’’

Napatango si Hiyasmin. May pag-asa na sa mukha nito.

“Kapag may taong nagpunta rito—halimbawa ang parents ko at kapatid, sa­sabihin ko boarder kita. Okey ba sa’yo ‘yun?’’

“Opo, opo.”

“Ipaaayos ko ang isang kuwarto para dun ka titira. Palalagyan ko ng sariling banyo para may privacy ka. Sa pagkain, bahala kang magluto kung gusto mo. Pati sa paglalaba.’’

“Opo Sir Dax. Maraming salamat.’’

“Basta ang usapan natin, ikaw ay boarder ko.’’

“Opo. Malinaw po.’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with