Makalipas ang isang linggo, tumawag si Hiyasmin kay Dax. Nasa opis si Dax nang matanggap ang tawag.
“O Hiyasmin, may problema ba? Ba’t natawag ka?’’
“May problema ako Sir Dax.”
“Ano ‘yun? Pambili ng libro?’’
“Hindi po.’’
“E ano?’”
“Gusto kong sabihin ng personal Sir. Pupunta ako sa bahay mo bukas ng umaga, puwede?”
“Sige. Wala naman akong pasok bukas—Sabado. E ano ba ‘yun at hindi mo maaaring sabihin ngayon?”
“Baka po may makarinig.’’
“Ah okey sige. Pumunta ka na lang bukas alas nuwebe.”
“Opo Sir Dax. Salamat.’’
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, nag-isip si Dax.
Ano kaya ang problema ni Hiyasmin at hindi masabi sa phone?
Baka mabigat at kailangan pang makausap siya nang personal.
Kinabukasan, wala pang alas nuwebe ay nasa bahay na ni Dax si Hiyasmin.
“Halika, pasok!’’ anyaya ni Dax.
Nang nasa salas na sila, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Hiyasmin.
“Delikado akong ma-rape ng stepfather ko, Sir Dax.’’
“Bakit?’’
“Halos araw-araw kapag naliligo ako ay binobosohan niya. Natatakot ako na baka isang pagkakataon, pasukin na niya ako sa banyo!”
(Itutuloy)