^

True Confessions

Hiyasmin (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Makalipas ang isang linggo, tumawag si Hiyasmin kay Dax. Nasa opis si Dax nang matanggap ang tawag.

“O Hiyasmin, may problema ba? Ba’t natawag ka?’’

“May problema ako Sir Dax.”

“Ano ‘yun? Pambili ng libro?’’

“Hindi po.’’

“E ano?’”

“Gusto kong sabihin ng personal Sir. Pupunta ako sa bahay mo bukas ng umaga, puwede?”

“Sige. Wala naman akong pasok bukas—Sabado. E ano ba ‘yun at hindi mo ma­aaring sabihin ngayon?”

“Baka po may makarinig.’’

“Ah okey sige. Pumunta ka na lang bukas alas nuwebe.”

“Opo Sir Dax. Salamat.’’

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, nag-isip si Dax.

Ano kaya ang problema ni Hiyas­min at hindi masabi sa phone?

Baka mabigat at kaila­ngan pang makausap siya nang personal.

 

Kinabukasan, wala pang alas nuwebe ay nasa bahay na ni Dax si Hiyasmin.

“Halika, pasok!’’ anyaya ni Dax.

Nang nasa salas na sila, hindi na nagpatumpik-tum­pik pa si Hiyasmin.

“Delikado akong ma-rape ng stepfather ko, Sir Dax.’’

“Bakit?’’

“Halos araw-araw kapag naliligo ako ay binobosohan­ niya. Natatakot ako na baka isang pagkakataon, pasukin na niya ako sa banyo!”

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with