^

True Confessions

Hiyasmin (17)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

INIHATID ni Dax sa gate si Hiyasmin. Napansin ni Dax na masiglang-masigla si Hiyasmin.

“Aalis na ako Sir Dax.’’

“Mag-ingat ka Hiyasmin.”

“Opo Sir Dax. Salamat po uli.’’

“Kung may problema ka, mag-text ka o tumawag sa akin. Let me know.”

“Gagawin ko po. Aalis na po ako.’’

Lumakad na palayo si Hiyasmin. Hinabol ng tingin ni Dax.

Pagkatapos ay isinara ni Dax ang gate at puma­sok sa bahay. Naupo sa sopa at binalikan sa isip ang mga nangyari kanina.

Sa totoo lang, bigla lang niyang naisip na bigyan na lang ng pera si Hiyasmin kaysa gawing kasambahay gaya ng kahilingan nito. Bigla na lang pumasok sa isipan niya ang ideya na yun. Hindi na niya naisip na sa paraang iyon, puwedeng itakbo na ni Hiyasmin ang pera. Napakabilis takasan.

Pero hindi niya naisip iyon sapagkat malaki ang tiwala niya kay Hiyasmin­. Hindi manloloko at ma­pagsamantala. Feel niya na nagsasabi ng totoo si Hiyasmin.

Napangiti si Dax habang binabalikan ang mga nangyari. Akalain ba niyang magkaroon siya ng “iskolar”?

At matamis ang ngiti niya sapagkat masarap pala ta­laga na may natutulungang kapwa. Taos sa puso ang pagtulong na ginawa niya kay Hiyasmin.

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with