^

True Confessions

Hiyasmin (12)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“KINAKAPALAN ko na po ang mukha ko, Sir Dax. Naniniwala po ako na ikaw lamang ang makatutulong sa akin sa pagkakataong ito,’’ sabi ni Hiyasmin habang na­katingin nang tuwid kay Dax.

Hindi makapagsalita si Dax. Nabigla siya sa hinihi­nging tulong ni Hiyasmin. Hindi niya akalain na ang hi­hingin nitong tulong ay ang kunin na “kasambahay”. Parang hindi siya makapaniwala.

“Alam ko pong nabigla ka Sir Dax. Sigurado ako na ngayon ka lang naka-encounter ng ganito, na isang babae na hindi mo pa kila­lang mabuti ang lumalapit at nakikiusap na kunin mong kasambahay. Puwede mo po akong pakinggan kung bakit ako ganito kaagresibo na makakita ng trabaho? Naki­kiusap po ako.’’

“Sige, Hiyasmin, ipaliwanag­ mo o ikuwento mo. Sa totoo lang talagang nagulat ako sa hihingiin mong tulong—akala ko maliit lang ang hihingiin mo.’’

“Ganito po. Estudyante po ako at nasa fourth year na. Kung hindi po magkakaroon ng aberya ay matatapos na ako next year. Meron po akong trabaho dati pero napilitan na akong umalis bago pa mag-end ang aking kontrata dahil masama po ang binabalak sa akin ng superbisor —gusto akong gahasain. Kaya bago pa mangyari ‘yun, umalis na ako.

Naghanap ako ng bagong trabaho pero wala akong makuha. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hanggang sa makilala ko nga ikaw dahil sa nawala kong ID. Naisip ko, mag-aplay na kasambahay mo. Sanay po akong magtrabaho sa bahay—laba, luto, linis at iba pa. Hindi po ako titira sa inyo—pupunta ako nang maaga rito at uuwi ng hapon.’’

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with