Hiyasmin (11)
Si Hiyasmin ang nasa labas at tumatawag!
Bakit kaya? Ano pa kaya ang nakalimutang itanong?
Binuksan ni Dax ang pinto at lumabas. Tinungo ang gate.
“Good morning Sir Dax,’’ sabi ni Hiyasmin na tila may pagkahiya.
“O Hiyasmin, anong maitutulong ko at napasugod ka?’’
“Kailangan ko talaga ang tulong mo Sir Dax. Kinapalan ko na ang mukha ko.’’
“Aba e kaya ko kaya ang hihingin mong tulong?’’
“Palagay ko po e kaya mo, Sir Dax.”
Napangiti si Dax.
“E halika pasok ka!’’
Tiwalang binuksan ni Dax ang gate.
“Halika at dito tayo sa loob mag-usap. Mahirap mag-usap nang nakatayo.’’
“Salamat Sir Dax.’’
Pumasok si Hiyasmin.
Isinara ni Dax ang gate.
“Halika sa loob para masabi mo ang hihingin mong tulong at sana nga ay kaya ko.’’
Pumasok sa loob si Dax at sumunod si Hiyasmin.
“Maupo ka.’’
Naupo si Hiyasmin sa sopa. Parang pinag-iisipan na nito ang sasabihin.
Naupo rin si Dax.
“Ano ang hihingiin mong tulong?’’
“Maari mo po ba akong kunin na kasambahay?’’
(Itutuloy)
- Latest