^

True Confessions

Hiyasmin (9)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pero wala pang dalawang minuto mula nang makaalis si Hiyasmin ay nakita ni Dax na bumalik ito. Hindi pa nakakaalis sa kinatatayuan niya si Dax.

“Excuse po Sir, nalimu­tan kong itanong ang name mo,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Ah akala ko kung ano na at bumalik ka. Dax ang name ko—short for Deo­gracias.’’

“Salamat po Sir Dax. Paalam na po uli.’’

“Okey. Sure ka na wala nang nalilimutang ita­nong?”

“Wala na po Sir Dax. Thanks po uli.’’

“Okey Hiyasmin. Ingatan mo ang ID at baka mawala.’’

“Opo Sir.’’

Umalis na si Hiyasmin.

Pumasok na sa loob ng bahay si Dax. Inihanda niya ang kakainin sa hapunan—daing na bangus at itlog na maalat na may tinadtad na kamatis at sibuyas. Balak sana niyang maggisa ng repolyo at carrots pero naatrasado dahil sa pakikipag-usap kay Hiyasmin kanina. Bukas na lang siya maggigisa ng gulay.

Habang piniprito ang ba­ngus, si Hiyasmin ang nasa isip ni Dax. May lahi sigurong Arabo si Hiyasmin dahil sa features ng mukha—mala­gong kilay, mata na hugis almond at matangos na ilong.

Sabi ni Hiyasmin, hindi na raw siya nagtatrabaho sa pabrika dahil umalis na siya roon. Hindi raw ma­ganda ang gina­gawa sa kanya roon. Pero sabi naman ng babae na nakausap niya sa pabrika, nag-end na raw ang contract ni Hiyasmin. Ano kaya ang totoo?

Kaya raw hinanap ni Hiyasmin ang ID ay dahil isa ito sa requirements. Baka nag-a­aplay ng trabaho si Hi­yasmin at isa sa kailangang requirements.

Naluto ang bangus at ang sinaing. Kumain na si Dax pero habang kumakain, si Hiyasmin pa rin ang nasa isip niya.

Bakit kaya umalis sa work niya si Hiyasmin? (Itutuloy)

DAX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with