Hiyasmin (8)

Pagbaba ni Dax sa si­nakyang taksi, napansin na agad niya ang babaing nasa harapan ng kanyang gate at nakatingin sa pinto ng apartment kung saan nakasabit ang ID na kanyang napulot.

Nagkaroon na ng kutob si Dax na ang babae ang may-ari ng ID.

Nang makalapit siya ay nagulat pa ang babae. Tila nahiya sa ginagawang pag­­ti­ngin sa pinto ng apartment. Kamukha ng babae ang picture na nasa ID kaya walang pasubali na ito na nga ang may-ari ng ID—si Hiyasmin Elcruz.

“Ikaw ang may-ari ng ID?’’ tanong ni Dax.

“Opo sir!’’

“Ikaw si Hiyasmin Elcruz?”

“Opo!’’

“Matagal nang nakasabit sa screen door ko ang ID pero ngayon mo lang pinuntahan.’’

“Oo nga po Sir. Kung saan-saan ko po kasi hinanap.’’

“Nalaglag sa’yo?’’

“Opo. Naka-klip po dito sa pants ko e hindi ko namalayan na nalag­lag pala.’’

“Diyan ko nakita sa kinatatayuan mo. Dito ka ba nagdaraan lagi?”

“Hindi po. Napa­daan lang po ako rito sa P. Noval.’’

“Ah ‘kala ko taga-rito ka sa P. Noval.’’

“Hindi po.’’

“Teka at kukunin ko ang ID.’’

“Salamat po Sir.’’

Binuksan ni Dax ang gate. Pumasok siya at ki­nuha ang ID sa pagkakasabit sa screen door. Inalis niya ang tali.

Bumalik siya sa babae na naghihintay sa gate.

Iniabot ang ID sa babae.

“ID sa kompanya mo yan ano?’’

“Opo, Sir. Pero hindi na po ako rito nagtatrabaho. Umalis na po ako.’’

“Bakit ka naman umalis?’’

“Hindi po maganda ang ginagawa sa akin, Sir.’’

Napamaang si Dax. Ano kaya yung hindi magandang ginagawa.

“Sir, salamat po nang ma­rami sa pag-iingat dito sa ID. Kailangan ko lang kasi ang ID na ito dahil wala akong ma­gamit para sa requirements.’’

“Walang anuman. Maliit na bagay ‘yun.’’

Umalis na si Hiyasmin.

(Itutuloy)

Show comments