Suklam (155)

“MAGSESELBREYT po kami ni Brent, ‘Tay. Iinom ng konti,’’ sabi ni Julio at inilapag sa mesa ang dalawang supot na may lamang pagkain at pulutan.

“Aba sana pala nagluto ako ng sisig at bopis! Sana nai-text mo sa akin Brent na mag-iinuman kayo ni Julio.’’

“Biglaan po ito Itay. Ang unang plano ni Julio ay sa res­taurant na kami maghapi-hapi pero ako ang nag-sug­gest na dito na lang sa bahay para kung maparami ang inom, e dito na lang siya matulog.’’

“Ah oo, dito ka na lang matulog Julio. Para masarap ang pagkarakoke natin.’’

“Salamat ‘Tay. Hindi po ba ako makakaistorbo sa inyo?’’

“Naku hindi! Teka at ihahanda ko ang mga baso na gagamitin. Tamang-tama ma­rami akong ginawang yelo.’’

Inilabas naman ni Brent ang alak na binili nila kanina—Black Label.

Ibinaba ng kanyang tatay ang dalawang baso na gagamitin.

“Uminom na kayo, Brent. Isi-set up ko ang karaoke para mamaya, ready na si Julio.’’

“Mapapalaban ka ‘Tay —lalo na kapag nakainom ako, ha-ha-ha!’’ sabi ni Julio.

“Sige Julio. Magpapraktis na ako, ha-ha-ha!” sabi ni Tatay.

Nagsimula nang uminom sina Brent at Julio.

“Masaya pala rito sa inyo, Brent.”

“Oo, Julio masaya rito.’’

“Gusto ko sa ganitong lugar. Mapapadalas ang punta ko rito, ha-ha-ha!’’

“No problem, Julio.”

Itutuloy

Show comments