“Sumagot ka Leah! Bakit umalis ang papa mo? Anong nangyayari diyan? Magsalita ka!’ Iyan ang sumisigaw na sabi ni Mama sa akin nang nag-uusap kami sa phone.
“Sinabi ko ang lahat na si Papa ay lumayas sa bahay, dala ang mga damit at sumama na sa kanyang kinalokohang babae. Sinabi ko rin kay Mama na walang sinabi si Papa nang umalis ito. Para bang robot na umalis nang walang paalam.
Pagkatapos kong masabi iyon ay muli akong umiyak,
“Sabi ni Mama uuwi raw siya. Hintayin daw namin ang pag-uwi niya. Sa sinabi o Mama na uuwi siya ay bigla akong nagkaroon ng sigla. At nadasal ko na sana ay hindi na umalis pa si Mama. Gusto ko magkasama na kami ni Mama.
“Makalipas ang dalawang araw, dumating si Mama. Gabi siya dumating. Mahigpit naming niyakap si Mama. Umiyak din si Mama.
“Kinabukasan, nalaman ni Mama na naubos pala ang mga ipinadadala niya kay Papa. Umaasa siyang may naiipon sila pero winaldas pala ni Papa—at malamang sa babae niya.
“Umiyak nang umiyak si Mama sa natuklasan. Ang pinaghirapan niya ay nawala sa isang iglap!”
(Itutuloy)