Suklam (127)

NAPANSIN ni Brent na wala sa family picture ang papa ni Leah. Wala rin ito sa iba pang picture na naka-frame at naka-hang sa wall. Baka naman ginawa ang family picture noong wala na o patay na ang papa ni Leah. Posible. Hindi niya tuloy nakita ang itsura ng papa ni Leah.

Maya-maya, lumapit na si Leah dala ang ikalawang rounds ng kape na ni-request ni Brent.

Inilapag ni Leah ang tasa ng kape. Umuusok. Ang sarap ng samyo ng aroma.

“Salamat po sa pagsi­silbi ng kape,’’ sabi ni Brent.

“Wala pong anuman.’’

Dinampot ni Brent ang tasa ng kape at dahan-dahang ininom.

“Mainit Brent!’’

“Kaya nga dahan-dahan ang paghigop ko, ha-ha-ha. Sarap kasi ng kape mo. Paanong ginawa mo rito.’’

“Wala. Sa coffee maker ko ginawa.’’

“Sarap e. Siguro ‘yung gumawa e masarap magmahal.’’

Umirap si Leah.

“Makatulog ka kaya ma­maya sa dami ng nainom mong kape?’’ sabi nito pag­karaan.

“Oo naman. Sanay akong uminom ng kape. Kahit nga mainit ang panahon, nagka­kape ako.’’

“Sabagay anti-oxidant daw ang kape.’’

“Oo nga raw. Nilalaba­nan daw ang ilang sakit.’’

“Nakakailang tasa ka ng kape?’’

“Apat lang.’’

“Konti lang pala, he-he-he!’’

“Siyanga pala Leah, ba’t wala sa family picture ang papa mo?’’

Natigilan si Leah sa tanong.

Itutuloy

Show comments