^

True Confessions

Suklam (121)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“TALAGANG hindi ako makapaniwala sa pagkikilala natin, Leah. Aka­lain mo bang magkalapit lang ang tirahan natin. Kung dadalawin kita sa inyo, e walking distance lang mula sa amin. Di ba naka­kagulat ‘yun? Bihira ang ganun,’’ sabi ni Brent habang tumatakbo ang sasakyan patungo sa Maynila.

“Oo nga, Brent. Bihira ang ganun.’’

“Akalain mo dahil lang sa nalaglag mong wallet e nagkakilala tayo at magka­lapit lang pala tayo.’’

“Oo nga. Nakakatuwa ano?’’

“Ang tanong ay kung ta­tanggapin mo ako sa inyo kung dadalawin kita sa Linggo?”

Nagtawa si Leah. Itinakip ang kanang kamay sa bibig.

“Ba’t ka nagtawa, Leah?’’

“E kasi nakakatawa ang tanong mo.’’

“Nakakatawa ba ‘yun?’’

“Siyempre alangan namang hindi kita tanggapin sa bahay e bisita ka. At nasan naman ang konsensiya ko e ito nga at hinatid mo ako.’’

“So kapag pumunta ako sa inyo, welcome ako.”

“Ano fi?’’

“Wow! Tanggap agad ako.’’

“Pero i-text mo muna ako. Baka bigla akong umalis—para sure at hindi ka mapagod.’’

“E di ibibigay mo sa akin ang number mo.’’

“Siyempre paano mo ako mati-text.’’

“Okey Leah.’’

Maya-maya pa nasa Legarda St. na sila. Kuma­nan sila at tinumbok ang Earnshaw.

Nilampasan ang dalawang simbahan at saka nagpa­tuloy hanggang sapitin ang Sulucan St. Kumaliwa sila.

“Dun ang sa amin, Brent. ‘Yung green gate.’’
Tinungo nila ang tinuro ni Leah. Bumaba si Brent. Binuksan ang pinto.

Bumaba si Leah.

“Daan ka muna, Brent. Magkape ka uli.’”

“Huwag na. Sa Linggo na lang. Ihanda mo ang masarap na kape.’’

“Sure.’’

Sumakay na si Brent.

“Bye Leah!’’

“Bye Brent. Salamat!”

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with