Suklam (9)

“SI Tatay Kuya?’’ tanong ni France habang kumakain sa mesa.

“Tulog na. Nano­nood ng TV kanina e ‘yun pala tulog na.’’

“Ganyan talaga si Tatay, Kuya. Kapag kami lang narito at nanonood e nakakatulog.’’

“Palagay ko naka­kaantok ng panooran ang TV. Luma na kasi!’’

“Siguro nga Kuya.’’

“Ibibili ko ng bago—flat screen. Kakaawa naman si Tatay. Panonood lang ng TV ang libangan e hindi pa maganda ang pinanonooran.’’

“Kailan mo ibibili Kuya?’’

“Pagsuweldo next week.’’

“Matutuwa yan.’’

“Sorpresa nga ang gagawin ko. Huwag mong sasa­bihin ha?’’

“Oo Kuya.’’

 

SABADO. Obertaym si Brent. Nagulat siya nang makita na kasama ni Vivian sa opisina ang asawa nito at isang anak.

Bakit kaya isinama pa ng taksil ang asawa at anak?

Pinagmasdan ni Brent ang mister ni Vivian. Mukhang mabait naman ito. Bakit kaya nagagawa pang pagtaksilan ni Vivian? (Itutuloy)

Show comments