Binata si Brent, 25, empleyado sa isang pribadong kompanya na nagsusuplay ng mga gamit sa construction. Limang taon na rin siyang empleyado rito at maayos naman ang kanyang kalagayan. Kahit hindi gaanong kalakihan ang suweldo ay kaya namang suportahan ang kanyang ama at kapatid.
Wala pa siyang kabalak-balak mag-asawa. Wala rin siyang nililigawan. Sa kanilang kompanya ay may mga kaopisina siyang babae na magaganda rin naman pero wala siyang interes. Merong itinutukso sa kanya pero wala siyang madama.
Ang tanging isasagot niya kung bakit walang nililigawan, ang tanging isasagot niya ay wala pang plano sa pag-aasawa. Sabi pa niya, madali nang makahanap ng babaing mapapangasawa. Hindi naman siya nagmamadali.
“Sayang naman ang kapogian mo,” sabi ng superbisor na si Vivian. Sexy si Vivian kahit sa pagkaalam niya ay dalawa na ang anak. Malandi kung tumingin si Vivian at tila malikot ang mata na parang nang-aakit.
Ngiti lamang ang igaganti niya kay Vivian. Pero ang totoo, nanliliit siya kapag tinitingnan ni Vivian na parang inaakit siya. Basta kakaiba ang mga sulyap sa kanya ni Vivian.
Tuwing Sabado ay nag-oobertaym si Brent. Apat silang lalaki na obligadong mag-OT. At nagtataka naman siya na kahit hindi OT si Vivian ay nasa opisina ito. Siguro ay dahil superbisor ito at maraming inaasikaso.
Breaktime nila. Tinungo ni Brent ang stockroom para kunin ang inorder na gamit. Idedeliber na ito ng ala-una ng hapon kaya dapat nakahanda na.
Pagpasok niya sa stockroom ay nakarinig siya ng langitngit ng mesa. Madalas ang langitngit na parang nililindol.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng langitngit.
Nang sumilip siya sa pagitan ng shelves, nakita niya si Vivian at ang kasamahang lalaki—nagsi-sex!
(Itutuloy)