^

True Confessions

Dioscora (327)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Nagpapasalamat si JC at pinayuhan siya ng kapatid na si Maria na huwag nang ipagtapat kay Shappira ang mga nangyari kay Simon Pedro at Mam Dioscora. Iyon din pala ang hihilingin ni Mam. Tama ang kanilang pasya na ilibing na lamang­ sa limot ang mga nakaraan. Hindi na dapat hukayin ang nakalibing na lihim sapagkat may masasaktan.

Lumabas ng kanyang kuwarto si JC at nagtungo sa salas. Pinagmasdan niya ang portrait ni Mam Dios­cora.

Umusal siya ng dasal para rito.

“Pangako Mam, walang malalaman si Shappira. Ang lahat ng mga sinabi mo sa akin ay mananati­ling lihim. Iingatan ko—namin ni Maria ang mga ipinagtapat mo. Hindi kami sisira sa pangako.

“Saan ka man naroon ngayon, sana ay masaya ka at wala nang dinadalang biga’t Siguro ay masaya na kayong magkapiling ni Ni­co­demus. Alam ko kung ga­ano mo kamahal si Nico­demus.

“Hindi ko rin malilimutan ang iniukol mong pagmamahal sa akin. Hindi kita malilimutan, Mam. Kahit ka­ilan, mananatili ang ala­ala mo sa akin.’’

Tumungo si JC. Pagkaraan ng ilang segundo ay muli siyang tumunghay sa portrait ni Mam Dioscora.

At hindi siya makapaniwala na nakangiti ito sa kanya. Napakatamis ng ngiti ni Mam. Wala nang problema.

Alam ni JC, natutuwa si Mam sa mga pangako niya.

Kinabukasan, hindi inaasahan ni JC ang pagtawag ni Shappira. Mayroon itong ibinalita.

(Itutuloy)

DIOSCORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with