^

True Confessions

Dioscora (324)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI lang kami ang mga pinag-aral ni Mam Dioscora, Angel,’’ sabi ni JC habang kumakain silang tatlo. “Marami pa siyang pinag-aral na mga estudyanteng kapos sa pera ang mga magulang.’’

“Nakakahanga nga pala si Mam Dioscora,’’ sabi ni Angel.

“Kaya ang anak niyang si Shappira ay nagtayo ng isang foundation na ipinangalan sa kanyang ina.’’

“Shappira ang name ng kanyang anak?’’

“Oo. Nasa U.S. siya ngayon.’’

“Ang tinutulungan ng foundation ay mga estud­yanteng walang kakayahang mag-aral dahil sa kakapusan ng pera?”

“Oo. Alam mo bang ang minana ni Shappira­ sa kanyang Lolo Simon Pedro­ ay inilagay niya lahat sa foundation. Sabi ni Shappira, ‘yun lamang ang tangi niyang maitutulong sa sinimulan ng kanyang ina. Hindi niya pababayaan ang foundation at gusto niya, mapag-aral lahat ang mga kapuspalad na bata sa Pilipinas.’’

“Napakabuti ni Shappira.’’

“Oo Angel, napakabuti niya,’’ sabi ni Maria.

“Gusto ko siyang makilala­, Maria.’’

“Buwan-buwan ay nagba­bakasyon siya rito sa Pi­li­­pinas. Inaalam niya ang lagay ng Dioscora Foundation. Ha­yaan mo at pagdumating siya ay i-inform kita.’’

“Salamat.’’

“Sa kasal natin, tiyak na narito siya Angel.’’

“Aba may balak na pala kayong dalawa? Kailan ‘yun?’’ tanong ni Maria.

“Pag-uusapan pa namin.’’

“Sige excited na nga akong magkaroon ng pa­mangkin,’’ sabi ni Maria.

Nagtawanan sina JC at Angel.

ISANG umaga na nasa office si JV, isang babae ang tumawag sa kanya—si Magdalene, isa sa ampon at pinag-aral ni Mam.

“Kuya JC may nakita akong sulat sa condo unit ni Mam. Naka-address sa’yo.’’

Kinabahan si JC. Anong sulat ‘yun?

Itutuloy

DIOSCORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with