Dioscora (307)

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

Nagpaalam si JC kay Shappira nang lumalalim na ang gabi. Kaila­ngang magpahinga na ito. Nangako siyang babalik.

“Bukas isasama ko ang kapatid kong si Maria­ na naging malapit kay Mam Dioscora—sa Mommy mo.’’

“Salamat JC. Hindi ko malilimutan ang kabutihan mo. Inaasahan ko na may malalaman pa ako tungkol kay Mommy at kay Lolo.’’
Napatango si JC.

“Siyanga pala JC, puwede ba akong makahi­ngi ng photos ni Mommy? Gaya ng nasabi ko sa’yo, wala akong photo niya. Hindi ko alam ang itsura niya.’’

“Oo Shappira. Dadalhin ko bukas.’’

“Salamat JC.’’

Umalis na si JC.

Nang dumating siya sa bahay, ikinuwento niya kay Maria ang pag-uusap nila ni Shappira ukol kay Mam Dios­cora at Simon Pedro.

“Anong reaksiyon niya Kuya?”

“Hindi siya makapani­wala sa dahilan. Nakuku­la­ngan pa siya Maria. Parang may hinahanap pa siya.’’

“Ipinagtapat mo ba lahat ang sinabi ni Mam ukol kay SP?’’

Umiling si JC.

“Bakit?’’

“Nalilito ako. Bukas nga pala isasama kita sa bahay nila. Gusto kang makilala ni Shappira.’’

“Sige Kuya.’’

Nang mapag-isa si JC, hindi niya malaman ang ga­gawin. Ipagtatapat ba niya ang lahat kay Shappira?

(Itutuloy)

Show comments