(Ang babaing hindi niya malilimutan)
Sa mga mukha ng empleyado at iba pang opisyal ng kompanya, nasisiyahan sila at si JC ang magpapatakbo nito. Naniniwala sila sa kakayahan ni JC. Sa ilang taon na paglilingkod nito, napatunayan nilang mahusay at hindi matatawaran ang kakayahan ni JC. At positibo sila na mapauunlad pang lalo ni JC ang kompanyang sinimulan ni Simon Pedro.
Nang mapag-isa na si JC sa kanyang opisina, nakahinga siya nang maluwag. Kanina habang kausap ang ibang pang department head, hindi siya mapakali at nag-aalinlangan pa rin kung karapat-dapat nga ba siyang pamunuan ang kompanya. Nawawalan siya ng tiwala sa sarili. Kaya ba niya ang pinakamataas na posisyon?
Pero makaraang makausap ang mga hepe at mga empleyado mismo at nagpakita nang mainit na pagtanggap, ganap siyang naniwala sa kakayahan. Kakayanin niyang pamunuan ang kompanyang itinayo ni Tatay SP. At nangangako siya na pauunlarin pa ang kompanya.
ISANG araw may tinanong si JC sa department head na si Mark. Matagal na itong naglilingkod sa kompanya.
“Mark, may nababanggit ba si Tatay SP tungkol sa kanyang apo?”
“Apo? Wala namang apo si SP.’’
(Itutuloy)