“KUYA! Kuya! Buksan mo ito Kuya!’’ si Maria ang nagsasalita at kumakatok.
Binuksan ni JC.
“Bakit?’’
“Bakit sumisigaw ka Kuya? Mayroon ka bang kausap?’’
“Wala akong kausap!’’
“Narinig kong sumisigaw ka!’’
“Hindi ako yun!’’
“Dito sa kuwarto mo galing ang sigawan.’’
“Nagbabasa ako ng sulat ni Tatay SP. Tahimik akong nagbabasa at napaiyak pa nga ako.”
“Wala kang kausap? E ano yung narinig ko?”
“Nag-iisa ako rito. Eto ang sulat sa akin ni Tatay SP at napaiyak ako sa mga sinabi niya.”
“Anong sinabi niya Kuya?’’
“Ako na ang CEO ng kompanya. Inayos na raw niya ang mga papeles.’’
“Tinupad niya ang sinabi Kuya.’’
“Oo. Akala ko, hindi niya tutuparin.’’
“Sabi pa niya sa sulat sa pag-upo ko raw sa kompanya, nagkaroon din ng katuparan ang pangarap niyang maging CEO ang anak niyang si Nicodemus—ako at si Nicodemus daw ay iisa.’’
Hindi makapaniwala si Maria. Yun ang narinig niya kanina na parang kausap ni JC. Nag-uusap ang mag-amang SP at Nico? (Itutuloy)