Dioscora (244)

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

“Nawala na ang ka­isa-isa kong kakamp­i. Para akong ibon na na­balian ng pakpak nang ma­matay si Nicodemus—ang mahal kong asawa. Pero kailangan kong magpakatatag para sa aming anak na si Saffira. Kung magpapaapekto ako sa pag­kawala ni Nico at magmumukmok, lalo lang magiging mabangis si Simon Pedro. Kailangan kong ma­ging malakas at matutong lumaban.

“Hindi ako umaalis sa tabi ng kabaong ni Nico at lagi ko siyang sinisilip. Umuusal ako ng dalangin na sana kung nasaan man si Nico ay tulungan ako na makayanan ang mga su­sunod pang dagok at mga problemang idudulot ni Simon Pedro. Naiusal ko rin na sana mamatay na si Simon Pedro para matapos na ang kalbaryo ko. Ang kamatayan lamang ng hayok na si Simon Pedro ang magpapalaya sa akin. Habang nabubuhay siya, nananatili akong bilanggo niya. Kapag namatay ang hayok, bagong buhay na ako at ang ang aking anak na si Saffira.

“Nang mailibing si Nico, nag-iisip na ako ng mga pa­raan kung paano makatatakas sa kuko ni Simon Pedro­. Gusto ko, magpakalayu-layo kami ng aking anak. Bahala na kung saan kami maka­rating.

“Isang tanghali na lumabas ako para bumili ng gamit ng aking­ anak, nagulat ako sapagkat hindi ko na siya nakita. Hinanap ko sa buong bahay. Wala. Nang tanungin ko ang maid, sinabi nito na dinala raw ni Simon Pedro sa ospital. Nagtaka ako. Bakit niya dadalhin sa ospital e wala namang sakit si Saffira. Nagsisigaw ako. Para akong baliw.”

(Itutuloy)

Show comments