Dioscora (156)
Ang babaing hindi niya malilimutan
“Ang akala ko po, Tatay SP, kasing-age ko ang anak mong si Nicodemus. Fifty years old na pala siya,’’ sabi ni JC na hindi makapaniwala.
“May pamilya na rin siya.’’
“Mayroon po siyang anak?’’
“Oo. Babae.’’
“Ang wife po ni Nicodemus?”
Pero sa halip na sagutin ni Tatay SP ang tanong ni JC, iba ang sinabi nito.
“Napakaganda ng apo ko. Mabait pa. Siya lang naiwang alaala ng anak kong si Nicodemus. Sa ibang bansa ko siya pinag-aaral. Sabi ko sa aking apo, mag-aral na mabuti. At sinusunod niya ako. Nangunguna siya sa klase. Sabi niya sa akin, gusto raw niyang magtrabaho sa kompanya naming para magkaroon ng karanasan. Pero sabi ko, huwag na dahil ayaw ko siyang bigyan ng problema. Sabi ko manatili na lang siya sa ibang bansa.’’
Nagpatuloy pa si Tatay SP. Nagtataka si JC kung bakit walang sinasabi si SP ukol sa manugang niya o asawa ni Nicodemus,
(Itutuloy)
- Latest