^

True Confessions

Dioscora (84)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makapasok sila sa bahay, mangha sina JC at Maria sa ganda ng loob. Hindi nila akalain sapagkat kung titingnan sa labas ang bahay, luma ito pero sa loob pala ay napakaganda. Maganda ang brown na sopa, may malaking TV at may mga naka-hang na painting sa dingding.

“Ang ganda!’’ hindi napigilang nasabi ni Maria.

“Oo nga!’’ sabi naman ni JC.

Si Mam Dioscora ay gumawi sa may bintana. Kapag umaga, binubuksan ko ang bintanang ito para pumasok ang hangin. Kaila­ngan kasi may hangin para hindi amoy kulob.’’

“Oo nga Mam,” sabi ni Maria. “Gaya po sa amin laging kulob. Kasi po hindi kami nagbubukas ng bintana dahil maaamoy ang estero. May malapit pong estero sa tirahan namin.’’

“Dito wala kayong malalang­hap na estero kaya magiging­ panataga ang isip n’yo. Makakapag-aral kayong mabuti.’’

“Sino po ang nakatira rito Mam?’’ tanong ni JC.

“Wala. Lagi ko lang pina­lilinis. Mahirap kasi kapag may pinatira—sisirain lang sa halip na alagaan.’’

Napatango si JC.

“E ikaw Mam, saan ka nakatira?’’ tanong ni Maria.

“Dun sa isa kong bahay.’’

“Ah.’’

“Sige hakutin n’yo na ang mga damit at ilang gamit n’yo. Mamaya ipakikita ko ang mga room n’yo at pati na ang kitchen, banyo at laundry.’’

Hinakot na nina JC at Maria ang kanilang mga damit at iba pa.

Habang naghahakot, may sinabi si Maria kay JC, “Kuya, kakalug-kalog pala tayo rito. Tayong dalawa lang pala ang titira.’’

“Maganda nga para tahimik tayo. Makakapag-aral tayo nang todo.’’

“Pero kumpleto ang gamit. Ang laki ng TV. Hindi katulad ng TV natin na maliit.’’

Napangti na lang si JC.

Nang matapos sa paghahakot ng damit, dinala sila ni Mam sa kani-kanilang kuwarto.

Mas lalong maganda ang kuwarto.

Masayang-masaya si Maria nang makita ang kanyang kuwarto. May malaki at malambot na kama. Ito ang pangarap niya.

“Okey ba ang kuwarto mo, Maria?” tanong ni Mam.

“Ang ganda Mam. Ma­kakahiga na rin ako sa ma­lambot na kutson.’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with