^

PSN Showbiz

'Akala mo lang wala pero meron': Carlo Aquino, Vilma Santos may bagong project?

James Relativo - Philstar.com
'Akala mo lang wala pero meron': Carlo Aquino, Vilma Santos may bagong project?
Litrato nina Carlo Aquino (kaliwa) at Vilma Santos (kanan)
Mula sa Instagram account ni Jose Liwanag

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon sa social media ang "Bata, Bata...Paano ka Ginawa?" co-stars na sina Carlo Aquino at Vilma Santos-Recto matapos ibalita ang kanilang pakikipagpulong sa isang direktor kamakailan, dahilan para isipin ng ilang magkakasama ang dalawa sa isa pang pelikula.

"Meeting. Soon. Claiming it," sabi ni Carlo sa kanyang Instagram post nitong Linggo kasama si Ate V at direk Adolf Alix Jr.

"Meeting with Carlo Aquino @jose_liwanag and Direk Adolf Alix @aalixjr. Galing!" sabi naman ni Vilma.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Matatandaang naging iconic ang pelikula nilang "Bata, Bata..." noong 1998, bagay na isinulat ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño.

Sumentro ang storya nito kay Lea Bustamante (Vilma), isang women's rights activist na mag-isang itinataguyod ang mga anak bilang single mother habang nagtratrabaho sa isang women's crisis center.

Dito binitawan ni Ojie de Lara (Carlo), anak ni Lea, ang kanyang iconic na linyang, "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!"

Umani ang pelikula ng sari-saring awards mula sa Gawad Urian, PMPC Star Awards, atbp.

Hindi pa man malinaw kung mauuwi ito sa panibagong palabas, tila nagparamdam naman si Alix patungkol dito nang i-story niya sa IG ang mala-alamat na "sampalan" scene nina Vilma at Carlo mula dekada '90.

"Claiming it! Soon! Ms. Vilma Santos x Carlo Aquino," pahiwatig ng direktor.

ADOLF ALIX JR.

CARLO AQUINO

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with