Dioscora (50)
Ang Babaing hindi niya malilimutan
Habang naglalakad patungo sa sakayan ng dyipni ay walang imik si Maria. Halatang nabigo sa hindi pagdalo ni Mam Dioscora. Napapakiramdaman ni JC ang kapatid. Nawala ito sa mood. Dapat ay masaya dahil may honors pero nagbago ang ihip ng hangin.
May naisip si JC para malimutan ni Maria ang kabiguan sa hindi pagdating ni Mam.
“Halika kumain tayo, Maria. Celebration para sa pagiging honor mo. Pizza tayo.’’
“Huwag na Kuya.’’
“Bakit?’’
“Basta. Pagod ako, Kuya.’’
“Nawala ka sa mood. Dahil ba hindi nakarating si Mam Dioscora ay hindi ka na magiging masaya. Hindi tama ‘yun. Dapat hindi ka nag-e-expect. Sinabi naman niya na baka out of the country siya.’’
Hindi sumagot si Maria. Patuloy ang paglalakad nila.
“Palagay ko nag-conflict ang sked niya kaya hindi nakarating.’’
“Sorry Kuya.’’
“Okey ka na?’’
“Oo Kuya.’’
“Puwede na tayong kumain ng pizza?’’
“Wala na bang iba bukod sa pizza Kuya?’’
“Fried chicken. Kaya lang mahal. Baka kapusin tayo.’’
“Pizza na nga lang.’’
“Ok. Pizza.’’
Nagtungo sila sa isang pizza house. Umorder si JC. Pizza at Coke.
Habang kumakain, nagkukuwentuhan sila.
“Sure ka na bang nursing ang kukunin mo Maria.’’
“Oo Kuya. Nursing ang kukunin ko.’’
“Kailangan pala talaga, lumaki ang kita ko para may pang-tuition ka. Mahal yata ang nursing ano.
“Oo nga Kuya.’’
“Mag-iisip ako ng paraan para maigapang ka at makapagtapos ng nursing.
“Salamat Kuya.’’
Kinabukasan, si Mam Dioscora pa rin ang topic nila.
“Siguro nga’y nasa ibang bansa si Mam Dioscora ano Kuya. Baka conflict sa skedyul.’’
Hindi pa nakakasagot si JC ay may napansin siyang tumigil na kotse sa tapat ng inuupahan nila.
(Itutuloy)
- Latest