(Ang babaing hindi niya malilimutan)
“Mam, salamat po sa perang bigay mo. Hindi po namin inaasahan ng kapatid ko. Napakalaki naman po Mam. Nakakahiya na sa’yo,” sabi ni JC.
“Salamat din JC. Okey lang lang ‘yan. Para sa inyo talagang magkapatid ‘yan. Tamang-tama dahil sabi mo ay ga-graduate ang kapatid mo. Mayroon na kayong gagastusin. Huwag ka nang mahiya.’’
“Natulala po kaming magkapatid nang makita ang pera, Mam.’’
“Hindi ko na sinabi sa’yo ang tungkol dun at baka tumutol ka pa. Basta gastusin ninyong magkapatid sa lahat ng pangangailangan.’’
“Mam hindi ko alam kung paano makakaganti sa’yo.’’
“Huwag mo na munang isipin ‘yun. Basta ang gawin n’yong magkapatid ay mag-aral at magsikap pang mabuti. Ganun lang at tiyak na aasenso kayo.’’
“Ganyan nga po ang ginagawa namin, Mam.”
“Good.’’
“Mam, baka ipalilinis mo ang aircon ng iyong kotse ako na ang gagawa para makabayad sa kabutihan mo.’’
“No! Hindi ako naghihintay ng kapalit. Basta ibinigay ko ‘yun sa inyo. Huwag kang mag-isip na bayaran ‘yun.’’
“Sorry Mam. Salamat uli sa maganda mong kalooban.’’
“Sige JC. Ikumusta mo ako sa sister mo. Kailan ba graduation niya?’’
“Next month na Mam.’’
“Informed mo ako. Itext mo sa akin ang date, okey?’’
“Yes Mam.’’
“Bye JC.’’
“Bye Mam.’’
Isang minuto nang natatapos ang pag-uusap nila ni Mam Dioscora ay nakatulala pa rin si JC.
Saka lamang siya natauhan nang masulyapan ang oras sa kanyang relo: mag-aalas otso na ng umaga. Kailangang magmadali siya at baka marami nang customer sa shop. Baka hindi na naman papasok si Kuya Dads.
Kinagabihan, ikinuwento ni JC kay Maria na nagkausap na sila ni Mam Dioscora
“Talagang sa atin ang pera, Kuya?’’
“Oo. Huwag daw akong mahiya sa kanya. Gastusin daw sa lahat ng pangangailangan natin ang pera.’’
“Talagang napakabait niya ano Kuya? Superbait na babae.’’
“Sabi ni Mam, i-text ko sa kanya ang date ng graduation mo.’’
“Bakit daw Kuya? Aattend siya?’’
“Walang sinabi. Basta informed ko raw siya.’’
“Baka a-attend siya Kuya! Yeheyy!’’
Napangiti lang si JC sa inakto ni Maria.
(Itutuloy)