^

True Confessions

Kaibigan (112)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Ba’t mo naman na­isipan na mag-beach tayo?’’ tanong ni Tess na halatang excited.

‘‘Nakakasawa na puro na lang tayo pasyal sa mall. Maganda naman kung sa ibang lugar tayo. Naisipan ko, punta tayo sa Puerto Galera. Maganda raw doon—mas maganda pa sa Boracay.’’

‘‘Ba’t mo alam?’’

‘‘Sabi ng isang kakilala ko na kagagaling lang dun.’’

‘‘Talaga?’’

‘‘Oo. Malapit pa.’’

‘‘Saan tayo sasakay?’’

‘‘Barko—sa Batangas City. Tatawid tayo ng dagat  patungong Mindoro.’’

‘‘Ay ang sarap! Hindi pa ako nakakasakay ng barko.’’

‘‘Parehas tayo. First time ko ring sasakay ng barko.’’

‘‘Kailan tayo aalis, Dex?’’

‘‘Sa Sunday na. Magpapa-reserve na ako ng titirahan natin sa Puerto. Gusto ko one week tayo roon.’’

‘‘Bakasyon grande tayo, Dex?’’

‘‘Oo. Malay mo dun tayo makaasembol, he-he-he!’’

Kinurot ni Tess si Dex.

‘‘Kailangan pagbalik natin naglilihi ka na.’’

‘‘Sobra naman ‘to!’’

‘‘Masarap kayang mag-make love sa tabing dagat?’’

‘‘Ewan ko.’’

‘‘Subukan natin ha?’’

Kinurot uli ni Tess si Dex.

Alas kuwatro ng madaling araw umalis sina Dex at Tess patu­ngong Batangas. Kailangang ma­kaabot sila ng barko na aalis ng 8:30 a.m patungong Puerto Galera.

Tamang-tama­ ang dating nila sa Batangas port sapagkat nakatakda nang umalis ang barko patungong Puerto.

Eksakto 8:30 ng umaga, umalis ang barko. Hindi karamihan ang pasahero. Nakahawak nang mahig­pit si Tess sa braso ni Dex. Nakaupo sila sa airconditioned room ng barko.

‘Tumatakbo na ba tayo, Dex?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Hindi ko maramdaman.’’

Makalipas ang dala­wang oras, nasa Puerto Galera na sila.

Hangang-hanga sila sa ganda ng lugar.

Nagpahinga lang sila at kumain at saka namasyal na sa dalampasigan.

(Itutuloy)

TESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with