Habang pinagmamasdan ni Dex si Tess, naiisip niya na baka baog din siya katulad ng kaibigang si King. Baka wala rin siyang kakayahang makabuntis. Pero malusog naman siya at walang natatandaang pagkakasakit noong kabataan niya para hindi magkaanak. Pareho rin namang nasa tamang edad sila ni Tess.
Baka naman talagang hindi pa natitiyempuhan si Tess. Marami raw dahilan kaya hindi agad nabubuntis ang babae. Mayroong dahil sa stress, apektado ng pagod sa trabaho at iba pang dahilan.
O baka naman si Tess ang may deperensiya kaya hindi pa sila nakakabuo? Baka may problema sa bahay-bata?
Sa huli naidasal niyang sana ay kapwa sila malusog ni Tess. Nahiling na pagkalooban sila ng anak.
‘‘Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan, Dex?’’ tanong ni Tess. Nahuli siyang nakatingin.
‘‘Ha? Wala! Napatingin lang sa’yo.’’
‘‘Weeee! Titig na titig ka sa akin e at malalim ang iniisip. Ano yun Dex.’
Sinabi ni Dex.
‘‘Nag-iisip kasi ako kung bakit hindi ka pa nabubuntis.’’
‘‘Sabi ko na nga ba at yun ang dahilan.’’
‘‘Naisip ko lang naman kung bakit wala pa.’’
Napaiyak si Tess.
(Itutuloy)