Kinahapunan na umuwi si Dex mula sa trabaho, ang kalagayan ni King ang inalam niya kay Lara.
“Kumusta si King?’’
‘‘Medyo bumaba ang lagnat. Pinainom ko ng paracetamol. Natutulog siya ngayon.’’
‘‘Mabuti naman at bumaba na ang lagnat. Nag-aalala ako habang nasa trabaho kanina.’’
“Nang umalis ka kaninang umaga, natakot ako dahil humahalinghing siya sa taas ng lagnat. Hindi ko malaman ang gagawin.’’
‘‘Hindi kaya dahil pumasok na agad siya sa trabaho kahit hindi pa ganap na magaling ang sugat niya? Pinayuhan ko siya minsan na huwag munang pumasok at magpagaling muna nang husto. Hindi kaya dahil dun kaya siya nilagnat?’’
‘‘Ganyan din ang naiisip ko Dex. Pero sabi naman ni King, magaling na ang sugat niya at puwede na siyang pumasok.’’
‘‘Kasi mula nang magkatrabaho ka ay parang napapansin ko na nahihiya si King. Kaya nagpupumilit magtrabaho.’’
Hindi na nagsalita pa si Lara at saka nagpalam kay Dex para ipagpatuloy ang pagluluto ng hapunan.
Kinabukasan, paglabas ni Dex sa kang kuwarto, nagulat siya sa paglapit ni Lara na halatang galing sa pag-iyak.
‘‘Dex, dalhin natin sa ospital si King!’’
‘‘Masama! Dalhin na natin siya, Dex!’’
‘‘Sige! Tatawag ako ng taxi! Ihanda mo ang mga gamit ni King!’’
Mabilis na lumabas ng bahay si Dex.
Mamaya-maya ay nagbalik ito at may nakuha nang taxi na.
Pinagtulungan nilang buhatin si King.
(Itutuloy)