Kaibgan (25)

“Ikuwento mo nga ang mga ma­sali­muot na kuwento ng pag­liligawan n’yo ni Lara, King. Mukhang kakaiba ang love story n’yo—pangteleserye pa yata,’’ sabi ni Dex at saka sumimsim ng malamig na beer.

“Pangteleserye talaga, Dex.’’

“Anong mga nangyari?’’

‘‘Ang daming nagkakagusto kay Lara. May­­roong mayaman, may doktor, abogado at negosyante. ‘Yung isang mayaman na doktor, ‘yun ang gusto ng mommy ni Lara. Kaklase raw ni Lara since elementary ‘yung doktor na ‘yun at naging kaklase rin yata sa college. Nag-premed kasi si Lara pero hindi na itinuloy dahil nahirapan. Kasi naman, mommy lang niya ang may gustong magdoktor siya. Ang gusto talaga ni Lara ay masscom. Nang maging doktor ang kaklase ni Lara, pinagpa­tuloy ang panliligaw. Pero tinapat niya ang doktor at sinabing may siyota na siya at ako nga ‘yun.’’

“Ikaw pala ang nagwagi. Natalo mo ang doktor.’’

“Pero marami pang pang­yayari, Dex. May pag­­kakataong hiniya ako ng mama ni Lara. Hindi raw ako bagay sa anak nila. Kung anu-ano pa. Isi­numbat pa nga na ano raw kinabuksan ang maibibigay ko sa anak niya e bagsak na ang negosyo namin. Pero humanga ako kay Lara dahil ako ang pinili niya.’’

“Ah ‘yan ang dahilan kaya galit ang magulang ni Lara. Hindi talaga ikaw ang gusto.’’

‘‘Siguro nga. Pero meron pa raw ibang dahilan na nangyari noon pa. Hindi ko naman pinaniniwalaan dahil para sa akin, hindi naman dapat gawing dahilan ‘yun.’’

Naging interesado si Dex.

“Ano ‘yun King. Anong pangyayari ‘yun?’’

‘‘Huwag na at parang nakakahiyang ikuwento.’’

“Sige na. A siguro kulang pa ang beer. Order pa ako ng dalawa—tig-isa tayo.’’

“Baka malasing tayo, Dex.’’

“Hindi. Para ganahan kang magkuwento.’’

‘‘Sige na nga.’’

(Itutuloy)

Show comments