Huling Eba sa Paraiso (175)

Habang naglalakad patungo sa sasakyan, masayang nagsalita si Marianne.

‘‘Alam mo Drew, parang nakaganti na rin ako makaraang malaman na nasunog ang restaurant. Iglap na nawala ang mga iniisip ko. Totally na nawaIa ang alaala nang nangyari sa restaurant na iyon.’’

‘‘Ako man, Marianne. Ganyan din ang nadarama ko ngayon. Siguro’y dahil sa na­ging papel ko nang itakas kita mula sa restaurant na iyon. Mahirap din ang naranasan ko sa pag-rescue sa iyo kaya ganyan siguro ang nararamdaman ko.’’

“Ngayon ay wala na akong iisipin pa, Drew kundi ang hinaharap natin.’’

“Tama ka, Marianne. Naabo na at naglaho na ang masamang alaala kaya pawang maganda naman ang haharapin natin.’’

“Lahat talaga ay may katapusan ano Drew?’’

“Oo. Lahat ay may katapusan at merong masama ang kinahahantungan. Gaya nang nangyari kay Mr. C di ba? Ang sama nang nangyari sa kanya. Napatay ng mga pulis. Balita ko masama rin ang nangyari sa buong pa­milya niya—naubos din lahat.’’

“Talaga?’’

“Oo. Nawalang parang bula.’’

“Kaya siguro talagang na­ging tahimik na ang bayan na ito—nawala ang salot.’’

“Isa raw sa pinakatahimik ang bayan na ito ngayon—zero drug cases.’’

“Kaya masarap nang mamuhay dito. Tamang-tama ang pagsisimula natin, Drew. Wala tayong katatakutan kapag nakasal na at nagkaroon na ng mga anak. Panatag na panatag ang pamumuhay natin dito.’’

“Kaya nga dapat na ­tayong pakasal, ha-ha-ha!’’

“Sa isang taon na di ba?’’

‘‘Gusto ko sana bukas na para makapag-honeymoon na.’’

Kinurot ni Marianne si Drew sa tagiliran.

Napaiktad si Drew.

Nagtawa si Marianne.

Nagtawanan sila.

(Itutuloy)

Show comments