Huling Eba sa Paraiso (173)

‘‘Kailan ba ang balak mo na mag­pakasal tayo Drew?’’ tanong ni Ma­rianne na halatang excited na.

“Next year gusto mo?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Tiyak na marami pa tayong maiipon nga­yong taon na ito.’’

“Anong buwan ang gusto mo, Drew?’’

“Abril. Summer. Gusto ko maaliwalas ang panahon sa araw ng kasal natin. Isa pa tapos na tayong mag-ani ng panahong yan.’’

“Tama ka. Ako gusto rin na maaliwalas ang panahon.’’

‘‘So ayos na ang simbahan at pagdarausan ng salu-salo. Ano pa ang maidaragdag mo, Marianne?’’

“Palagay ko wala na, Drew.’’

“Sa isusuot mong wedding gown.’’

“Wala pa akong naiisip, Drew.’’

“Gusto ko maganda ang gown mo. Gusto ko kaakit-akit ka sa damit pangkasal mo.’’

Hindi makapagsalita­ si Marianne. Labis siyang natutuwa sa sinabi ni Drew.

‘‘Magpagawa tayo sa isang sikat na designer ng wedding gown mo.’’

“Ikaw ang bahala, Drew.’’

“Gusto ko magandang-maganda ka sa suot pangkasal.’’

Pinisil ni Drew ang palad ni Marianne.

Isang araw na nagdeliber sila ng prutas sa bayan, niyaya ni Marianne si Drew para tingnan ang dating restaurant-club kung saan siya nagdedeliber ng pako.

Pero ganun na lamang ang pagkagulat nila sapagkat sunog na sunog na ang restaurant.

Nang magtanong sila sa mga taong naroon, na­sunog pala ito kagabi. (Itutuloy)

Show comments