‘‘Maganda ba ang bahay, Lola?’’ tanong ni Drew kay Lola Ela na noon ay masayang pinagmamasdan ang bunggalow.
‘‘Napakaganda, Drew. Maraming salamat. Akala ko hindi ko na maaabutan na may nakatirik na bahay sa kaisa-isang lote na naiwan sa amin ng namatay kong asawa. Marami ka nang naitulong sa amin ni Marianne.’’
‘‘Walang anuman Lola. Kapag kumita pa kami nang malaki ni Marianne, mga appliances naman ang bibilhin para kumpleto.’’
Napaiyak nang tahimik si Lola Ela. Pinayapa ito ni Drew.
‘‘Puwede ka nang pumasok sa loob Lola para makita mo kung gaano kaganda ang bahay mo.’’
Pumasok si Lola sa bahay. Naiwan sina Drew at Marianne sa bakuran.
‘‘Sinorpresa mo kami, Drew. Hindi ko talaga akalain na ipagagawa mo itong bahay.’’
‘‘Ang galing kong magtago ng sekreto ano?’’
‘‘Bilib na ako sa’yo, Drew.’’
‘‘Isa pa kaya gusto ko ay may sarili na kayong bahay ni Lola para nadadalaw kita rito. Kasi hindi naman maganda na sa farm house ko tayo maglambingan. Mas okey dito di ba?’’
‘‘Oo nga Drew. Pero meron akong last na hihilingin sa’yo.’’
‘‘Ano?’’ (Itutuloy)