Huling Eba sa Paraiso (154)

“Halika, Marianne, maupo muna tayo roon. Napagod ako sa pagkuha ng kuhol. Mahirap palang damputin ‘yan sa tubig,’’ sabi ni Drew.

Napangiti lang si Marianne na parang ang ibig ipahiwatig ay hindi lang siya sanay sa ganoong trabaho.

Tinungo nila ang pampang. Bitbit ni Drew ang binilot na dahon na may lamang pako at kuhol.

Naupo sila sa damuhan. Mula sa kinauupuan ay nakikita nila ang malinaw na sapa.

“Masarap ba ang ginataang pako na may kuhol, Marianne?’’

“Oo! Ganito ang lagi naming ulam ni Lola. Si Lola ang orihinal na marunong magluto ng ginataang pako at natuto lang ako sa kanya.’’

“Hindi pa ako nakakatikim ng ginataang pako. Ang ginataang kuhol nakatikim na ako sa isang restaurant sa Maynila pero wala naman akong malasahang kakaiba.’’

“Ah baka matagal nang nahuli ang kuhol at nakalagay sa lalagyan na nakatinggal ang tubig. Hindi talaga masarap yun. Dapat bagong huli ang kuhol gaya nitong kinuha natin sa sapa.’’

“Nabanggit mo sa akin nun na paborito ng napatay na si Mr. C ang pako at kaya niya paborito ay dahil mahusay sa pagkalalaki? Totoo ba yun?’’

“’Yun ang sabi ni Mr. C. May erectal dysfunction ang hayop na Chinee kaya laging nagpapadeliber ng pako. Pati ako e pinaglalaruan…’’

“Sorry Marianne, naungkat na naman ang mga nangyari. Naitanong ko lang naman yun.’’

“Okey lang Drew. Wala na sa akin yun. Nakaganti na rin naman ako dahil patay na ang hayop.’’

‘‘Mabuti at nagbayad ang walanghiya.’’

‘‘Ang isang hindi ko malilimutan ay tamang-tama ang pagdating mo sa club at na-rescue mo ako. Hindi ko talaga malilimutan yun. Tatanawin kong ­malaking utang na loob.’’

Napangiti si Drew.

(Itutuloy)

Show comments