Huling Eba sa Paraiso (151)

“Negosyante­ ka pala Drew?’’ tanong ni Marianne na halatang nagka­roon ng interes nang malamang nag­ne­­gosyo noon si Drew.

“Medyo. Pero itong pizza business ko, inabot lang ng malas dahil ilang buwan pa lang nagbubukas nagka-pan­demya. Isinara ko na.’’

“Sayang! Noong nag-aaral pa ako, naging­ crew ako sa isang pizza parlor. Ginawa ko iyon nang mamatay si Lolo dahil wala nang nagpapaaral sa akin sa Maynila. Kaya kung bubuksan mo muli ang pizza parlor mo, may background na ako diyan.’’

“Sige. Pero gaya ng sabi ko, pagpaplanuhan muna natin. Sa ngayon, magpopokus muna ako sa pagtatanim sa farm.’’

“Tutulong ako Drew. Marunong naman akong mag-araro at magtanim.’’

“Owww? Marunong kang mag-araro?’’

“Oo. Tinuruan ako ni Lolo.’’

“Sige, pag-uwi natin sa probinsiya, pag-aararuhin kita sa tataniman ng mais, ha-ha-ha!’

“Oo ba? Ipakikita ko sa’yo ang husay ko.’’

“Akala ko, mahusay ka lang manalbos ng pako.’’

“Hindi lang pa­nanalbos pati pag-aararo, sanay ako.’’

Makalipas ang isang linggo, umuwi na sina Drew sa pro­binsiya. Damuhan­ na ang paligid ng farmhouse dahil matagal-tagal dim silang hindi nakauwi.

Ang kubo nina Ma­rianne ang sirang-sira na. Napaiyak si Marianne sa nangyari sa kubo.

(Itutuloy)

Show comments