^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (151)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Negosyante­ ka pala Drew?’’ tanong ni Marianne na halatang nagka­roon ng interes nang malamang nag­ne­­gosyo noon si Drew.

“Medyo. Pero itong pizza business ko, inabot lang ng malas dahil ilang buwan pa lang nagbubukas nagka-pan­demya. Isinara ko na.’’

“Sayang! Noong nag-aaral pa ako, naging­ crew ako sa isang pizza parlor. Ginawa ko iyon nang mamatay si Lolo dahil wala nang nagpapaaral sa akin sa Maynila. Kaya kung bubuksan mo muli ang pizza parlor mo, may background na ako diyan.’’

“Sige. Pero gaya ng sabi ko, pagpaplanuhan muna natin. Sa ngayon, magpopokus muna ako sa pagtatanim sa farm.’’

“Tutulong ako Drew. Marunong naman akong mag-araro at magtanim.’’

“Owww? Marunong kang mag-araro?’’

“Oo. Tinuruan ako ni Lolo.’’

“Sige, pag-uwi natin sa probinsiya, pag-aararuhin kita sa tataniman ng mais, ha-ha-ha!’

“Oo ba? Ipakikita ko sa’yo ang husay ko.’’

“Akala ko, mahusay ka lang manalbos ng pako.’’

“Hindi lang pa­nanalbos pati pag-aararo, sanay ako.’’

Makalipas ang isang linggo, umuwi na sina Drew sa pro­binsiya. Damuhan­ na ang paligid ng farmhouse dahil matagal-tagal dim silang hindi nakauwi.

Ang kubo nina Ma­rianne ang sirang-sira na. Napaiyak si Marianne sa nangyari sa kubo.

(Itutuloy)

DREW

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with