Huling Eba sa Paraiso (83)

‘‘Isuot mo ito, Ma­rianne,’’ sabi ni Drew at iniabot kay Marianne ang long sleeves.

“Salamat Drew.’’

Mabilis itong isinuot ni Marianne. Na­takpan ang bahaging itaas ng katawan niya.

“Saan tayo pupunta? Kabisado mo ba ang lugar na ito, Marianne. Hindi ko ito alam.’’

“Oo. Deretsuhin natin ang kalyeng ‘yun. Sa kabila niyon ang terminal ng mga dyip at traysikel. Puwede tayong sumakay dun at magpahatid sa bahay.’’

“Malayo na ba ito sa restaurant na pi­nanggalingan natin?’’

“Hindi! Napalapit pa natin kaya masusun­dan pa tayo ng mga pulis­. Kailangang maka­alis agad tayo rito.’’

“Paano mo nga pala nalaman ang lagusan na dinaanan natin?’’

‘‘Itinuro ‘yun ng may-ari ng restaurant. Kung may raid, dun daraan.’’

“Yung Intsik na may-ari?’’

‘‘Oo.’’

“Ibig sabihin pag-aari niya ang lagusan na dinaanan natin?’’

“Oo. Ang itaas ng lagu­san, bahay niya. Ma­laking bahay na ang tawag ay Bahay na Pula.’’

“Bakit Bahay na Pula?’’

“Saka ko na lamang sasabihin sa’yo Drew. Baka maguluhan ka. Ang mahalaga ay makaalis tayo rito.’’

“Tayo na!’’

Mabilis silang tumakbo patungo sa ma­dilim na kalye.

Nang makarating sila sa kalye, nakarinig ng sipol si Drew. Kasunod ng sipol ay may tumawag sa kanya. Hindi kalakasan ang tawag.

“Kuya! Kuya!’’

Tumigil sila.

“Sinong tumatawag Drew?’’

Nang tingnan nila ang pinanggalingan ng tawag, nakita ni Tikoy na nakasakay sa pick-up.

“Dito Kuya! Dito! Bilis may mga pulis pang humahabol!’’

(Itutuloy)

Show comments