^

True Confessions

Monay (221)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang magtungo sa U.S. sina Joem at Monay, pagbalik ay kasama na nila si Joana, ang anak ni Monay sa unang asawa. Pinoy din ang unang asawa ni Monay, isang Marine, na namatay on duty sa Afghanistan nang masabugan ng land­mine.

Mabait na bata si Joana na kahawig din ni Monay. Matatas magsalita ng Tagalog dahil tinuturuan ng mga uncle nito. Dalawang lalaki ang kapatid ni Monay. Bukod dun, Tagalog ang usapan sa bahay kaya mahusay magsalita si Joana.

Kaya walang naging­ problema sina Joem at Monay nang isama na ito sa Pilipinas para makasama na nila ng lubusan. Kasundong-kasundo ni Joana ang kapatid na si Ka­the­rina na noon ay dalawang taon. Lagi nitong kina­karga ang baby pang si Junior.

Makalipas pa ang isang taon at tatlo na ang mga naglalaro sa harap nang malaking bahay nina Joem. Malawak ang kanilang bakuran kaya dito naglalaro ang mga bata. Walang tigil sa paghahabulan at pagtataguan ang tatlo. Punumpuno ng halakhak ang kanilang bakuran. Napa­kasarap pakinggan ng tawa­nan ng mga bata.

Habang naglalaro ang tatlo, pinanonood sila nina Joem at Monay. Tuwang-tuwa si Monay.

“Ang saya nila, mahal ko. Ang sarap pakinggan ng kanilang tawanan.’’

“Natupad din ang pa­ngarap ko Joem na mag­ka­sama-sama ang mga anak ko. Salamat sa iyo at pinayagan mong maka­sama si Joana rito.’’

“Bakit naman hindi ako papayag?’’

“Kasi may mga lala­king ayaw ipipisan sa kanila ang anak ng kani­lang asawa. Marami akong alam na lalaking ganun ang ugali.’’

‘‘Hindi ako ganun Monay. Ang mahal mo ay mahal ko rin. Masaya ako kapag nakikita kang masaya. Lahat nang gusto mong magpapaligaya sa’yo ay gusto ko rin. At saka, talagang mahal na mahal kita. Walang makakatulad sa pagmamahal ko sa’yo, Monay.’’

Napaluha si Monay. Nag-uunahan ang dalawang butil ng luha sa mga pisngi nito.

Dumukot ng panyo si Joem at pinahid ang luha ng asawa.

(Tatapusin na bukas)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with