Monay (220)

Isang malusog na sanggol na lalaki ang isinilang ni Monay. Tuwang-tuwa si Joem. Gustong maglulundag sa tuwa.

‘‘Natupad ang dasal mo na lalaki ang ikalawa nating anak, Joem.’’

‘‘Oo. May junior na ako Monay.’’

‘‘Guwapo tiyak paglaki si Junior.’’

‘‘Siyempre mana sa ama, ha-ha-ha!’’

‘‘Joem may sasabihin ako sa iyo. Noon ko pa dapat sasabihin pero pinag-isipan ko munang mabuti.’’

‘‘Ano ‘yun?’’

‘‘Puwede bang sa atin na tumira ang anak kong si Joana. Kasi nang umuwi ako sa U.S. parang nagta­tampo sa akin. Hindi ako kinikibo. Pero nakumbinsi kong magtapat. Sabi niya, gusto niya rito sa Pilipinas para magkasama kami at pati ikaw at magiging kapatid niya. Ayaw daw niyang mahiwalay sa akin. Kung nasaan daw ako, dun din siya.’’

‘‘Naunahan mo lang ako Monay pero noon ko pa sana isa-suggest sa iyo na isama mo na rito si Joana. Kailangan talaga na kasama mo siya para nasusubaybayan mo. Gusto ko rin na sama-sama tayo, Monay.’’

Napaiyak si Monay.

‘‘Napakabuti mo Joem.’’

‘‘Next month magbakas­yon tayo sa US para nasusundo na rin natin si Joana.’’

Lalo pang napaiyak si Mo­nay. Pinisil ni Joem ang palad ng asawa.

‘‘Lalo tayong magiging masaya, Monay – walang kasingsayang pamilya.’’

‘‘Lalo kitang minahal Joem – mahal na mahal!’’

(Itutuloy)

Show comments