Monay( 216)

‘‘Wala na sa akin ‘yun, Trish. Huwag mo nang isipin pa ang mga nangyari. Basta tayo pa rin ang matalik na magkaibigan. Best friend ko ikaw forever,’’ sabi ni Monay at niyakap si Trishia.

“Napakabuti mo Monay. Hindi ka nagbabago. Kung ano ka nung mga bata pa tayo, ganun ka pa rin.’’

“Walang magbabago sa akin kahit kailan, Trish.’’

Isang araw bago ang pagbalik ni Trishia sa Sydney ay kumain silang tatlo sa paborito nilang seafood restaurant. Masayang-masaya sila.

Naging mahigpit ang pagpapaalaman nila.

 

ISANG buwan bago ang expected date ng pa­nganga­nak ni Monay, lumipat sila sa malaking bahay na ipinagawa ni Joem para maging conve­nient ang pagkilos ni Monay at mayroong mga ka­tulong na umaalalay sa kanya.

“Ito ba ‘yung bahay na ti­nir­han n’yo ni Kath, Joem?’’

“Oo. Nasabi kasi niya na kapag mag-asawa na tayo, dito na tayo tumira. Pati ‘yun ay na­isip niya.’’

“Mabuting kaibigan si Kath.’’

“Katulad mo rin siya Monay na mapagmahal na kaibigan.’’

“Patingin nga ako ng mga pictures niya. Hindi ko pa siya nakikita.’’

“Aba oo nga ano. Ang tagal n’yo nga palang magkaibigan online pero hindi mo pa siya nakikita.’’

“Kasi nga ipinaglilihim niya ang pagkatao.’’

“Sandali at kukunin ko ang photo albums niya.’’

Nang magbalik si Joem ay dala na nito ang mga photo albums.

Binuklat ni Monay ang pina­kamalaking album.

Hindi makapaniwala si Monay sa nakitang photos ni Kath.

Magkahawig sila. Pati ang buhok ay magkatulad sila.

“Maganda siya Joem…’’

“Nahahawig siya sa iyo di ba? Iisa ang beauty n’yo di ba?’’

“Oo Joem.’’

“Kaya nga nang una ko siyang makita sa aming opis, napatigil akong bigla dahil parang nakita kita sa kata­uhan niya. Talagang malaki ang pag­kakahawig n’yo.’’

‘‘Talagang patay na patay ka sa beauty namin?’’

“Yes na yes! Dead na dead, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Monay.

“A alam mo Monay, may isa pa kayong pagkakatulad?’’

“Ano ‘yun?’’

“Boses. Magkatulad kayo ng boses.’’

“Hindi kaya ako ang re­incarnation ni Kath, Joem?’’

‘‘Puwede.’’

Isang gabi na matutulog na sila, dumaing si Monay nang pananakit ng tiyan.

“Humihilab ang tiyan ko Joem. Manganganak na yata ako!’’

‘‘Dadalhin kita sa ospital!’’

(Itutuloy)

Show comments