Monay (215)
“Ang dami kong nakain Monay. Lumaki na naman ang puson ko,” sabi ni Trishia at humalakhak. “Baka magtaka ang husband ko pag-uwi ko sa Sydney.
“Sana isinama mo siya at ang anak mo, Trish.’’
“Nag-aaral ang anak ko. Ang husband ko naman, may trabaho. Hindi kami puwedeng sabay umalis.’’
“Mabait ang husband mo Trish?’’
“Super bait. Kasing bait din ng mister mo, Monay.’’
Narinig ni Joem ang sinabi ni Trishia.
“Salamat Trish!’’
Nagtawanan sina Monay at Trishia.
“Next year siguro o kapag bininyagan ang anak n’yo ipagsasama ko ang asawa ko. Tuturuan ko siyang kumain ng fishball at saka balut.’’
Nagtawa si Monay.
“Sana nga makauwi kayo Trish para masaya tayo.’’
“Pipilitin ko Monay.’’
“Salamat Trish.’’
Lumipat sila sa salas at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan.
‘‘Bakit nga pala rito kayo nakatira e puwede naman kayo sa Dasma o sa Ayala-Alabang?’’
‘‘Ako ang may gusto rito, Trish. Gusto ko kasi ay simpleng buhay lang. Mababait ang mga kapitbahay namin. Enjoy ako sa buhay namin dito. Pero siguro kapag malaki na ang tiyan ko, baka tumira rin kami sa bahay ni Joem. Malapit kasi roon ang doktora ko.’’
‘‘At saka dapat ay mayroon kang maid. Mahihirapan kang kumilos dahil malaki na ang tiyan mo.’’
“Oo nga.’’
‘‘Alam mo Monay kita ko sa mga mata mo na kuntentung-kuntento ka sa buhay. Kita ko sa kislap ng mga mata mo ang masayang pagsasama n’yo ni Joem.’’
‘‘Tama ka, Trish. Napakasaya ko talaga. Sayang at wala ka nung ikasal kami. Nung naglalakad ako patungo sa altar, pakiramdam ko ay bulak ang tinatapakan ko. Napakalambot na parang nakalutang ako, ha-ha-ha!’’
“Kasi nga nangyari na ang pinapangarap mo noon pa na kayong dalawa ni Joem ang magkatuluyan. Natupad lahat.’’
“Oo nga Trish. Sa kabila na pareho na kami biyuda at biyudo, kami pa rin sa dakong huli.’’
“Talagang kayo ang nakatadhana.’’
“Oo Trish.’’
“Kaya nga hiyang-hiya ako sa iyo na gusto ko ring makiamot ng pagmamahal sa lalaking mahal mo. Kahit na alam ko na noon pa na talagang si Joem ang nag-iisang lalaki para sa iyo. Patawad ulit Monay, nasaktan ko ang damdamin mo.’’
(Itutuloy)
- Latest