Monay (213)

Hindi agad nakapag­salita si Joem at Monay nang makita kung sino ang dumating. May tatlumpung segundo marahil bago nakapagsalita si Monay.

‘‘Trishia!’’

‘‘Ako nga Monay!’’

“Halika ka, Trishia!’’ may pagkasabik sa boses ni Monay.

Pumasok si Trishia.

Yumakap kay Monay. Matagal nagyakap ang magkaibigan.

Pagkatapos ay kay Joem.

“Maupo ka. Kumusta ka na Trish?’’

“Okey naman.’’

“Paano mo nalaman na narito kami?’’

“Nalaman ko sa mga classmates natin. Dumalo sila sa kasal n’yo di ba? Ako lang ang hindi.’’

‘‘Saan ka naman namin hahagilapin. Hindi ka naman nagpaparamdam.’’

‘‘Nasa Sydney ako. Australian ang napangasawa ko. Nagkakilala kami rito at dinala niya ako roon. May isa kaming anak.’’

“Nag-reunion ang school natin. Sayang hindi ka nakarating.’’

‘‘Plano ko talaga uuwi ako pero nagkaroon ng wild fire sa aming lugar kaya na-post­pone ang pag-uwi ko. Sayang nga. Pero siguro next reunion, darating ako.’’

“Oo nga para masaya tayo.’’

“Ilang buwan na ‘yang tiyan mo, Monay?’’

“Three.’’

“Congrats sa inyong da­lawa.’’

“Ninang ka nito, Trishia. Dapat umuwi ka kapag bibin­yagan ito.’’

‘‘Uuwi ako! Sabihin mo lang kung kailan at uuwi ako!’’

“Sige sinabi mo ‘yan.’’

Napansin ni Trishia na tahimik si Joem.

“Joem, tahimik ka. Mag­salita ka naman.’’

“Iniisip ko kasi kung ano ang ipakakain ko sa’yo.’’

“Kailangan mo pa bang isipin ‘yun e kabisado mo na naman kung ano ang paborito namin ni Monay.’’

“Ano ‘yun?’’

“Fishball ano pa?’

Nagtawanan sina Monay at Trishia.

“Oo nga naman Joem nakalimutan mo ang paborito ni Trish.’’

‘‘Okey magluluto ako nang masarap na fishball na may malinamnam na saw­sawan.’’

“Yehey makakatikim na naman ako ng fishball pag­­kalipas nang maraming taon,’’ sabi ni Trishia at humalak­hak.

Nakisabay si Monay sa halakhak ng kaibigan.

(Itutuloy)

Show comments