‘‘Mamaya ulitin natin para masarap uli ang tulog mo,’’ sabing nakangisi ni Joem.
‘‘Sige pero sa isang kondisyon.’’
‘‘Anong kondisyon?’’
‘‘Ipagluto mo ako ng fish ball na may masarap na sawsawan.’’
‘‘Bakit naman ‘yun ang naisip mo e narito tayo sa malayong lugar.’’
‘‘Basta ‘yun ang naisip kong kainin.’’
‘‘Baka naglilihi ka na! Ang bilis naman! Kagabi lang tayo nagmahalan e naglilihi ka na agad?’’
‘‘Sira! Nagki-crave lang ako.’’
‘‘Puwede pag-uwi na natin sa Maynila? Kahit gaano karaming fish ball ipagluluto kita.’’
‘‘E di saka na rin uli tayo magmahalan, ha-ha-ha!’’
‘‘Sige, gagawa ako ng paraan para makapagluto ng FB. Baka hindi matuloy ‘yang pagbubuntis mo, ha-ha-ha!’’
Nagtawa rin si Monay.
‘‘Ang mabuti pa ay bumangon na tayo para makapag-almusal,’’ sabi ni Monay at akmang tatayo pero pinigilan ni Joem.
‘‘Oops huwag kang bumangon. Magpapadeliber na lang ako ng pagkain. Breakfast in bed tayo.’’
‘‘Wow. Pinahahanga mo ako Joem.’’
‘‘Siyempre para kasing nagha-honeymoon na tayo.’’
Hinalikan ni Monay si Joem sa sobrang kasiyahan.
KINAHAPUNAN, namasyal uli sila sa tabing dagat.
‘‘Ayaw ko nang matapos ang sandaling ito Joem.’’
‘‘Ako man.’’
‘‘Masayang-masaya talaga ako, Joem.’’
‘‘Mas lalo naman ako. Pinakamasayang lalaki sa mundo.’’ (Itutuloy)