Monay (187)

“Sana nga makilala ko si Pandekoko, Joem. Napakabuti niyang kaibi­gan. Gusto ko siyang ma­kita.’’

“Tutulungan kita.’’

“Salamat Joem.’’

“Siyanga pala kapag nakabalik ka na sa US ka­ilan ka naman babalik?’’

“Hindi ko pa sure. Si­guro after one year. Bakit mo naitanong?’’

“A, wala lang.’’

Kunwari ay napaisimid si Monay.

‘‘Akala ko kung ano na?’’

Napangiti si Joem.

“Naitanong lang.’’

“Bakit nga?’’

Ngiti lang ang tinugon ni Joem. Parang may itinatago na ayaw ilabas. Hindi iyon naikaila kay Monay.

‘‘Mahiyain ka pa rin Joem. Hindi ka pa rin nagbabago. Kahit may gusto kang sabihin ayaw mong ilabas.’’

“Wala naman akong…’’

“Kilala kita Joem. Wala kang maitatago sa akin.’’

Napabuntunghininga si Joem.

“Pati buntonghininga mo kilala ko. Huwag kang magsisinungaling. Mayroon kang itinatago na hindi mo kayang ihayag.’’

“Wala talaga…’’

“Bahala ka sa buhay mo.’’

“Saka ko na lang sasabihin…’’

“Bahala ka.’’

“Pag-usapan natin si Pandekoko. Basta ang pa­ngako ko, hahanapin ko siya para sa iyo.’’

Ngumiti si Monay.

‘‘Sige kapag nakita mo siya, ako naman ang mayroong sasabihin sa’yo. Baka ‘yung sasabihin mo sa akin na hindi mo kayang ilabas e katulad ng sasabihin ko.’’

‘‘Ano ‘yung sasabihin mo, Monay?’’

“Ba’t ko sasabihin nga­yon? Kailangan matagpuan mo muna si Pandekoko saka ko sasabihin.’’

‘‘Sige, hahanapin ko. Maski bukas ihaharap ko siya sa iyo.’’

‘‘Huwag mo akong bi­ruin, Joem.’’

“Hindi kita binibiro.’’

Tinitingnan ni Monay si Joem. Walang ka­kurap-kurap.

‘‘Ba’t mo ako tiniting­nan ng ganyan? Baka ako matunaw, Monay. Huwag mo akong titigan, please!’’

Humagalpak ng tawa si Monay.

‘‘Kasi parang binibiro mo ako. Seryosong-ser­yoso ako tapos sasabihin mo bukas na bukas ay ihaharap mo ako kay Pandekoko.’’

‘‘Bukas daraanan kita sa hotel na tinutuluyan mo at pupunta tayo kay Pandekoko.’’

(Itutuloy)

Show comments