Ang Babae sa Silong (132)
“May butas sa sahig? Naku kailangang matakpan ‘yan, Dado. Bakit ngayon mo lang sinabi?” sabi ni Manang Oya na alalang-alala.
‘‘Hindi ko na sinabi Manang. Maliit lang naman ang butas.’’
“Naku e sa maliit nagsisimula ang butas. Kailangang matakpan habang maliit pa. Nasaan ang butas Dado? Kailangang makita ko para ipapaliwanag ko sa taong magtatakip.’’
“Wala na Manang?’’
“Anong wala na?’’
“Tinakpan ko na Manang. Maliit lang naman. Kayang-kayang takpan.’’
“Nakakahiya naman sa’yo, Dado.’’
“Okey lang ‘yun Manang.’’
“Bakit kaya nagkaroon ng butas ang sahig?’’
“Palagay ko e manipis na ang bahagi ng sahig, Manang.’’
“Hindi naman anay ang dahilan, Dado?’’
“Hindi naman po.’’
“Salamat naman at hindi anay ang dahilan. Kung anay, tiyak na mayroon na rin ang iba pang kahoy at baka pati mga partition.’’
“Palagay ko walang sira ang iba pang sahig Manang.’’
“Teka tagusan ba ang butas? Lusutan ba sa ibaba kapag sinilip?’’
“Opo, Manang.’’
“Naku e ‘di nakita mo ang nasa silong – si Gab?’’
“Opo Manang.’’
‘‘Sus Ginoo, baka malaman ni Gab e magreklamo.’’
‘‘Hindi naman po siguro alam ni Gab na may butas itong sahig ko.’’
“Hindi nga malalaman ‘yun dahil hindi naman nakikita sa ibaba ang butas. At saka sabi mo maliit lang.’’
“Opo maliit lang. Mga kasing laki po ng katawan ng lapis ang butas.’’
‘‘Nasilipan mo si Gab kung ganun, Dado?’’
“Hindi ko naman sinasadya Manang. Aksidente ko lang kasing nadiskubre ang butas. Pagsilip ko, si Gab ang nakita ko.’’
“Anong ginagawa?’’
‘‘Nagbibihis po.’’
Napaantanda si Manang Oya.
‘‘Manang huwag mo nang maikukuwento kay Gab ha?’’
‘‘Ah hindi. Hindi naman ako tsismosa.’’
‘‘Salamat Manang.’’
‘‘Basta huwag mo na lang uulitin.’’
‘‘Hindi na Manang. At isa pa, tinakpan ko na nga ang butas.’’
(Itutuloy)
- Latest