“Kailan ka huling sumilip sa butas na ‘yan, Dads?’’ tanong ni Gab habang nakahilig sa balikat ni Dado. Hindi na nagtampo si Gab. Hindi pala niya kayang tuluyang magalit sa lalaking marami nang nagawa sa kanyang buhay at hindi siya iniwanan sa mabibigat na pagsubok.
“Matagal na. Hindi ko na matandaan. Basta mula nang magkakilala tayo, hindi na ako sumisilip diyan.’’
“Talaga, Dads?’’
“Bakit pa naman ako sisilip diyan e lagi na kitang nakikita?’’
“Oww talagang hindi mo na ako sinisilipan?’’
“Hindi na nga. Siyempre iginagalang kita.’’
“Ilang beses mo na bang nakita ang katawan ko, Dads, ‘Yung totoo?’’
“Hindi ko na matandaan. Basta marami na.’’
“Napagsawaan mo na ang katawan ko. Wala na akong maipagmamalaki sa iyo.’’
‘‘Para namang nahawakan ko.’’
Umirap si Gab.
Saka pinisil-pisil ang daliri ni Dado.
‘‘Aminin mo, napagsawaan mo na.’’
“Hindi pa ako nagsasawa. Gusto ko ngang makita uli, he-he-he!’’
Kinurot ni Gab sa tagiliran si Dado.
‘‘Anong itsura ko, Dads?’’
‘‘Maganda. Para kang si Eba sa paraiso.’’
‘‘Puro ka biro. Anong itsura ko nang sinisilipan mo?’’
“Maganda nga – walang kasingganda!’’
‘‘Anong ginagawa ko Dads?’’
“Bagong paligo ka. Nakaupo ka sa kama at nagsusuklay ng buhok.’’
“Hubad ako?’’
“Oo.’’
“Kakahiya!’’
“Anong nakakahiya roon? Maganda naman ang wankata mo.’’
“Anong wankata?’’
“Katawan.’’
Kinurut-kurot ni Gab ang braso ni Dado. Kurot na naglalambing.
‘‘Ikaw pa lang ang kauna-unahang nakakita ng katawan ko, Dads kaya huwag mo akong lolokohin.’’
“Mula nang makita ko ang katawan mo, minahal na kita nang labis.’’
“I love you, Dads. Gusto ko tayo hanggang wakas.’’
Hinalikan ni Dado sa pisngi si Gab.
(Itutuloy)