Alupihan (182)
Napaatras si Cris nang makitang naliligo si Hani sa banyo. Walang anumang saplot si Hani habang nakatapat sa shower.
Nakakahiya kay Hani. Bigla na lamang niyang itinulak ang pinto at hindi man lang kumatok. Medyo inaantok pa kasi siya at nagmamadali para makapagligo. Meron siyang kakausaping tao kaya dapat siyang umalis nang maaga.
Hindi niya akalain na maaga rin palang bumangon si Hani para maligo.
Hihingi siya ng sorry paglabas ni Hani. Baka kasi isipin ni Hani na sinisilipan niya.
Maya-maya pa, narinig niya ang pagbubukas ng pinto ng banyo. Tapos nang maligo si Hani.
Nakita niya ang paglabas ni Hani. Tinawag niya at humingi ng paumanhin.
“Sorry Hani, akala ko walang tao. Nagmamadali kasi ako para makaligo dahil may lakad ako ngayong umaga.’’
“Okey lang Kuya. Hindi kasi ako nagsasara ng pinto dahil mahirap na habang nasa loob. Isang kasamahan ko sa trabaho ang nasa banyo nang ma-stroke. Ini-lock niya ang pinto at kailangan pang wasakin. Hindi na nailigtas ang buhay ng kasamahan ko.’’
Napangiti at napatango-tango si Cris.
‘‘Magandang tip yan. Huwag magsasara ng pinto ng banyo habang naliligo.’’
“Oo Kuya. Tama ‘yan.’’
“Sige Hani Sorry uli.’’
Napangiti lang si Hani.
ISANG gabi, nagbabasa ng libro si Cris nang kumatok si Hani. Binuksan niya.
‘‘O Hani…’’
“Kuya eto na ang suman mo!’’ (Itutuloy)
- Latest