Alupihan (86)
Pero mabilis ding nakabawi si Hani sa pagkabigla.
Nakisakay na siya kay Cris.
“Inorder ko nga ang chocolates na ‘yan kay Kuya!’’ sabi niya at kinuha ang supot kay Cris.
“O sabi ko na sa inyo. Order nga ni Hani ‘yan.’’
“Owww?’’ sabi ni Gretchen. ‘‘Parang hindi yata?’’
‘‘Order ko nga ito, Gretchen,’’ sabi ni Hani.
“Kahapon dumating ang package ng chocolate ni Kuya at nakita ko nang dumating. Agad akong inalok ni Kuya.’’
“Totoo ang sabi ni Hani. Galing Australia ang chocolates – padala ng sister ko. Hindi ko na sana ibebenta e marami naman kaya binentahan ko si Hani.’’
Natahimik sina Gretchen at Diana.
Pinaglipat-lipat ang tingin kina Cris at Hani.
Parang duda ang mga ito.
Pero sa huli, nakumbinsi rin ang mga ito.
‘‘Sige Kuya ako rin oorder din ng dalawang bars,’’ sabi ni Gretchen.
‘‘Ako rin Kuya,’’ sabi ni Diana.
‘‘Okey dadalhin ko sa inyo mamaya,’’ sabi ni Cris na tila nabunutan ng tinik.
‘‘Magkano Kuya?’’ tanong ni Diana.
‘‘Mura lang para sa inyo. Pero huwag na ninyong sabihin sa iba pa ha.’’
“Walang problema Kuya. Sige dalhin mo lang mamaya. Lalabas lang kami ni Diana para bumili ng pagkain,” sabi ni Gretchen.
‘‘Sige pagbalik n’yo ibigay ko ang chocolates.’’
Umalis na ang dalawa.
Nang makalayo ang mga ito, nagtatakang nagtanong si Hani kay Cris kung bakit nagkunwaring inorder niya ang chocolates.
Ipinaliwanag ni Cris kung bakit.
“Baka kasi magselos ang dalawa kapag nakitang ibinigay ko lang sa’yo ang chocolates.’’
Naunawaan ni Hani ang lahat.
(Itutuloy)
- Latest