Alupihan (15)

“O ba’t natahimik ka Kuya?’’ tanong ng kapatid niyang si Berna.

“May nasabi ba akong hindi maganda?’’

Huminga nang malalim si Cris bago sumagot sa kapatid.

‘‘Wala naman, Berna. Naalala ko lang si Maya.’’

‘‘Bakit Kuya? Ba’t mo naalala si Ate Maya?’’

‘‘Nabanggit mo kasi na baka may mapili ako sa mga babaing boarders ko. Alam mo naman na walang makakapalit sa puso ko si Maya. Wala nang hihigit pa sa asawa kong si Maya.’’

“Sorry Kuya. Nagbibiro lang naman ako kaya nasabi iyon.’’

“Hanggang ngayon, na­aalala ko pa ang mga pinagsamahan namin ni Maya. Walang makaka­tulad sa pinagsamahan namin. Alam mo naman na since high school ay magsiyota na kami. Kaya masyadong masakit sa akin ang pagkawala niya.’’

“Alam ko naman Kuya. Di ba nariyan pa ako sa Pinas noong panahon na magsiyota pa kayo ni Ate Maya. At saka napakabait niya.’’

Napahinga uli nang malalim si Cris.

Nang magsalita ay medyo nagpatawa na.

‘‘Okey na ako Sis. Medyo ma­saya na nga dahil may mga ka­sama na ako sa bahay. Dati para akong ulilang pahot dito, he-he-he!’’

“Sige Kuya. Ingat ka. Tatawagan kita uli sa isang araw.’’

“Sige Berna. Ingat din kayo riyan sa Australia.’’

SA gabi, kapag matutulog na si Cris ay lagi niyang kinakausap ang naka-frame na picrture ni Maya.

‘‘Hindi kita papalitan, Maya. Mahal na mahal kita. Forever ang pagmamahal ko sa’yo.’’

(Itutuloy)

Show comments